Picture of Catheryn Villorente
#TECHNOTIPS: Potting Soil
by Catheryn Villorente - Monday, 11 May 2020, 03:13 PM
 
potting soilAng potting soil ay madalas ginagamit sa pagpapatubo ng mga halaman sa bahay. Kung walang potting soil, siguraduhing ang gagamiting lupa sa pagtatanim ay walang latak ng heavy metals tulad ng mercury at lead na may masamang epekto sa kalusugan ng tao.

Ang pagkakaroon ng exposure sa mercury ay lubhang mapanganib. Nakakaapekto ito sa utak na maaaring magdulot ng tremors at sakit sa kidney at iba pang parte ng katawan. Ang lead naman ay isa pang mapanganib na lason sapagkat sa pagkakataong ma-expose ang tao rito ay walang kakayahan ang katawan na linisin ito.

Mahalagang tandaan ang bawat hakbang sa pagtatanim mula sa pagsusuri ng angkop na lupa at klima, pagpili ng binhi, pangangalaga, pamamahala sa sakit at peste, at maging sa pag-aani.

Kung nais matuto ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtatanim ng gulay sa sariling bakuran, mag-enroll sa libreng online course sa Basic Urban Gardening.

I-like at follow ang aming Facebook, Twitter, at Instagram accounts (@atiinteractive) o makipag-ugnayan sa Farmers’ Contact Center sa 0920-946-2474 para sa karagdagang impormasyon ukol dito.

(By: Jenny Rose Gabao, ATI-ISD)
Picture of Theresa Mangahis
Re: #TECHNOTIPS: Potting Soil
by Theresa Mangahis - Monday, 11 May 2020, 09:50 PM
 
Salamat po ng marami sa mga mahahalagang impormasyon sa tamang pagpili ng potting soil. Papaano po namin malalaman kung may led or mercury content ang lupang aming ginagamit? Salamat po.
Picture of Catheryn Villorente
Re: #TECHNOTIPS: Potting Soil
by Catheryn Villorente - Friday, 15 May 2020, 02:29 PM
 

Hi Theresa! Kailangan ng soil testing para determine ang heavy metals sa soil. Pakicheck ang iyong mailbox at nagpadala kami ng reference. Salamat!

Picture of marian go-soco
Re: #TECHNOTIPS: Potting Soil
by marian go-soco - Monday, 18 May 2020, 07:54 AM
 
pwede pong pa share din sa reference regarding sa soil testing to determine heavy metals sa soil? thank you po.
Picture of Catheryn Villorente
Re: #TECHNOTIPS: Potting Soil
by Catheryn Villorente - Tuesday, 19 May 2020, 11:32 AM
 
Hi Marian! We have sent you the reference, please check your mailbox. Thank you!
Online: 10 Messages: 0
You are not logged in. (Login)