#TECHNOTIPS: Hipon | |
Ang hipon ay isa sa mga pinakasikat na seafood sa Pilipinas dahil sa kakaibang lasa nito. Isa rin ito sa mga nangungunang ikinakalakal dahil makikita ito sa iba't ibang bahagi ng bansa at madali pang paramihin.
Ayon sa pananaliksik ng Freshwater Fisheries Research Station, malaki ang potensyal ng pag-aalaga ng hipon sa palaisdaan. Ito ay madaling alagaan at nangangailangan lamang ng maliit na puhunan. Dagdag pa rito, maaari na itong anihin sa loob lamang ng apat na buwan.
Sa pag-aalaga ng hipon, kinakailangan ang patuloy na patubig mula sa ilog o kaya ay bumomba mula sa poso. Ang tubig ay dapat na malinaw, malinis, at hindi nagtataglay ng mga nakakalasong sangkap ng polusyon.
Para naman sa iyong palaisdaan, ang paglalagay ng bunbon o siit sa palaisdaan ay kinakailangan upang magsilbing silungan o kapitan ng maliliit at malalaking hipon, lalo sa panahon ng pagluluno.
Para sa karagdagang impormasyon, magtext sa 09209462474/09191600525 o bumisita sa e-extension.gov.ph/elearning. Bisitahin din kami sa Facebook, Twitter, and Instagram (@atiinteractive) para sa ibang tips sa agrikultura.
(By: Jayvee Masilang, ATI-ISD) |