Isa sa mga mabuting naidudulot ng pag-aalaga ng kuneho ay ang nutrisyon na dala ng dumi nito na maaaring gamiting pataba.
Ang dumi ng kuneho ay maaring ipunin at gawing pataba sa halaman dahil ito ay mayaman sa nitrogen, phosphorus, at potassium. Maaari itong gamitin nang sariwa o pulbos, at puwede ring ihalo sa compost.
Kung gagamitin ito nang sariwa, ibahagi ang dumi nang pantay-pantay sa buong lupain sa pagtatapos ng tag-araw. Ang pamamaraan na ito ay makatutulong na mapayaman ang lupa na may mga kapaki-pakinabang na sangkap bago ang susunod na taniman.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-text sa 09209462474/09191600525. Bisitahin din kami sa Facebook, Twitter, and Instagram (@atiinteractive) para sa mga tips sa agrikultura.
(By: Jayvee Masilang, ATI-SD)