Picture of Jose Parcon
Re: Introduce Yourself
by Jose Parcon - Tuesday, 6 April 2021, 12:20 PM
 
Magandang araw! Ako po si Jose Parcon, isang manananggol na nakatalaga sa Public Attorney's Office sa Quezon City. Nalaman ko po ang online course ng Aquaculture, dito sa website ng TESDA, sa pagbabasa sa mga research papers at mga pag-aaral na inilathala din sa online.

Ako po ay lubos na umaasa na sa aking pag-enroll sa kursong Aquaculture ay aking matutunan ang ibat-ibang pamamaraan sa pangangasiwa ng isang maliit na palaisdaan na balak kong pasukin. Partikular na po dito ang pag-aalaga ng bangus at alimango. Nagpapasalamat po ako sa programang ito ng Department of Agriculture.
Online: 0 Messages: 0
You are not logged in. (Login)