#TECHNOTIPS: Pagpili ng Palahiang Manok | |
Kung ikaw ay may free-range chicken farming business at naghahanap ng palahiang manok, narito ang ilang mga katangian na dapat tandaan, ayon sa isang eksperto: • Maliksi at walang sakit; • Malaki at pula ang palong; • Klaro ang mga mata, bilog at hindi bulag; • Kulay dilaw ang mga paa; • Malaki at makapal ang dibdib; • Ang sipit-sipitan ay may 3 hanggang 4 na sentimetro ang luwang; • Malinis ang balahibo sa puwitan; at • Walang parang mga kaliskis sa mga paa. Para sa karagdagang impormasyon sa tamang pag-aalaga, iba pang katangian, at mga variety ng manok, bisitahin lamang ang https://tinyurl.com/FRChicken .
Bisitahin rin kami sa Facebook, Twitter, at Instagram (@atiinteractive) para sa iba pang tips ukol sa agrikultura.
(By: Jenny Rose Gabao, ATI-ISD) |