Picture of Catheryn Villorente
#TECHNOTIPS: Ngusong kabayo
by Catheryn Villorente - Wednesday, 28 April 2021, 02:05 PM
 
planthopperNapapansin mo ba kung ang mga tanim mong palay ay nanunuyo? Maaaring inaatake na ito ng ‘planthopper’ o ngusong kabayo.

Ang palayan ay masasabing inatake ng ngusong kabayo kapag makikitaan na ang mga tanim na palay ng panunuyo o ang tinatawag na hopperburn. Ang hopperburn ay sanhi ng nimpa at matatandang ngusong kabayo na kumakain sa pinakababang parte ng palay kung saan nauubos ang katas nito kaya nanunuyo.

Upang ito ay maiwasan, magtanim ng barayting matibay sa ngusong kabayo. Ngunit, siguraduhing magpalit ng barayti ng palay tuwing ikalawang taon upang maiwasan ang resistance ng peste.

Sa pagspray ng pestisidyo, mag-spray sa pinakapuno ng halaman, kung saan naninirahan ang mga ngusong kabayo, at hindi sa dahon nito. Tandaan na gumamit lamang ng pestisidyo kung lubhang kailangan.

Maaari ring magsagawa ng sabayang pagtatanim matapos pagpahingahin ang lupa. Ito ay upang mahinto ang mapagkukuhanan ng pagkain ng mga pesteng kulisap na magpapatigil naman sa inog ng kanilang buhay.

Alamin ang iba pang kasanayan para maiwasan ang ngusong kabayo, bumisita lamang sa https://www.pinoyrice.com/.

Para sa iba pang tips ukol sa agrikultura, i-like at i-follow kami sa Facebook, Twitter, at Instagram (@atiinteractive).

(By: Angelica Marie Umali, ATI-ISD)
Online: 0 Messages: 0
You are not logged in. (Login)