Picture of Catheryn Villorente
#TECHNOTIPS: Paano mas Mapadali ang Pag-ani ng Tanim na Palay
by Catheryn Villorente - Thursday, 29 April 2021, 10:35 AM
 
pag-aani ng palayMainam na patuyuan ang bukid 7-10 araw bago ang nakatakdang araw ng pag-aani upang maiwasan ang pagkabasa ng mga butil. Sa paraang ito, mas mapadadali at mapabibilis ang proseso ng pag-aani lalo na sa tulong ng paggamit ng makina.

Maiging anihin kung ang palay kung ay nasa 80-85% pa lamang ng pagkahinog nito o mala-kulay ginto na ang karamihan ng butil sa uhay ng palay. Tandaan na nagdudulot ng pagkapulbos ng mga butil kung mapapaaga ang pag-ani at sobrang pagkatuyo at pagkalagas naman kung mahuli ang pag-aani.

Sa pagputol ng inaaning palay, igsian lamang kung makina ang gamit at habaan naman kung hampasan ang gagamitin.

Makabubuting kung hindi iiwang nakabilad nang matagal sa bukid ang palay nang hindi masobrahan ang pagkatuyo ng palay na nasa ibabaw ng bunton. (Pinoy Rice Knowledge Bank)

Para sa iba pang tips ukol sa agrikultura, i-like at i-follow kami sa Facebook, Twitter, at Instagram (@atiinteractive).

(By: Caitlin Jane Abeleda, ATI-ISD)
Online: 1 Messages: 0
You are not logged in. (Login)