![]() | #TECHNOTIPS: The "tree of life" |
![]() Maraming produktong makakain ang maaaring gawin mula sa bunga ng niyog tulad na lamang ng suka at nata de coco mula sa sabaw nito, at harina, gata, kopra at mantika o langis mula naman sa laman.
Bukod sa dami ng produktong makukuha sa niyog, malaki rin ang naitutulong nito sa kalikasan. Nagsisilbi itong panangga sa malalakas na hangin at nagbibigay-lilim sa mga mabababang pananim. Nakatutulong din ito sa pagkontrol ng soil erosion.
Ngayong “National Coconut Week”, ipinagdiriwang natin ang mayabong na industriya ng pagniniyog sa Pilipinas na pumapangalawa sa mga pinakamalaking coconut producer sa buong mundo. (Philippine Coconut Authority)
Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa pagpo-proseso ng coconut products, bisitahin lamang ang https://region6.dost.gov.ph/dost-livelihood-technologies/. Tara na’t matuto at kumita!
(By: Caitlin Jane Abeleda, ATI-ISD) |