Bumili ng similya sa mga subok at kilalang ahensiya ng pangisdaan tulad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), Central Luzon State University- Freshwater Aquaculture Center (CLSU-FAC), Southeast Asian Fisheries Development Center/Aquaculture Department (SEAFDEC/AQD), atbp. Kung bibili naman sa mga pribadong paanakan, mainam na humingi muna ng payo sa ibang nag-aalaga ng tilapia kung saan ang mga subok at mapagkakatiwalaang hatchery.
Maaaring ding sumubok ng similya na produkto ng makabagong teknolohiya tulad n g SRT (sex reversed tilapia), YY supermale o GMT (genetically male tilapia), GIFT (genetically improved farmed tilapia) o mga hybrid na mula sa mga pribadong ahensiya. Gamiting pamantayan sa pagpili ng similya ang mga pisikal na katangian ng isda gaya ng kalakasan o kahinaan, kapayatan o katabaan, atbp. (Sanggunian: DA-BFAR)
I-like at sundan ang aming mga social media accounts sa Facebook, Twitter, and Instagram (@atiinteractive) para sa iba pang mga tip sa pagsasaka at pangisdaan.
(By: Ashlee Canilang, ATI-ISD)