ABS-CBN News
Posted at Feb 20 2022 03:01 PM
Ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang seaweed culture materials sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette sa Dawahon Island sa Bato, Leyte.
Matinding napinsala ang seaweeds industry sa lugar dahil sa Bagyong Odette na tumama noong Disyembre.
Bukod sa seaweed culture materials, tumanggap rin ang mga apektadong residente ng mga bangka na may makina para makatulong sa kanilang hanapbuhay.
Pinangunahan ni BFAR Eastern Visayas Assistant Regional Director Cylet Salvacion Lluz ang pamamahagi ng ayuda.
Pauna pa lang itong batch umano sa mga nabigyan ng tulong dahil mayroon pang ibang residenteng mabibigyan.
Magpapatayo rin ang gobyerno ng seaweed post harvest facility na popondohan ng aabot sa P1.5 milyon.
Namahagi rin ang BFAR ng mga relief goods at iba pang gamit sa pangingisda sa mga residente ng isla.