Ang paggamit ng organikong pataba ay hindi lamang mabisa sa pagpapalago ng mga tanim kundi nakatutulong din ito sa pangangalaga ng ating mga lupa. Mahalagang malaman na ang ilan sa mga organikong pataba tulad ng Fermented Plant Juice o FPJ ay maaaring gawin sa ating mga sariling bahay.
Ang FPJ ay galing sa pinaghalo-halong katas ng binurong dahon, pasibol at suloy ng halaman, at molasses. Tumutulong ito sa produksyon ng chlorophyll at growth hormone na nakakaapekto sa paglaki at paglago ng ating mga tanim.
Sa paggawa ng FPJ, mainam na kumuha ng mga sangkap na kailangan bago sumikat ang araw habang ang mga halaman ay nasa respiration mode. Ito ay upang masiguro na ang mga sangkap ay taglay ang microorganisms na makakatulong sa pagbuburo. Dapat ding iwasan ang paghugas ng mga nakuhang sangkap na halaman at pangongolekta tuwing tag-ulan. Mainam na gumamit ng mga sangkap tulad ng kangkong, labong at mga batang bunga ng pipino, kalabasa, melon, pakwan, ampalaya, at iba pang mga cucurbits. (University of Hawai’I at Mānoa)
Kung nais pang matuto ng mas marami pang mga pamamaraan ng pagtatanim ng gulay sa sariling mga bakuran, at paggawa ng mga organikong pataba, bisitahin lamang ang www.e-extension.gov.ph/elearning. Marami ring ibang libreng online courses dito tungkol sa iba't ibang pananim, paraan ng pagtatanim, at iba pang mga teknolohiya sa agrikultura.
#ishareknowledge #atiinspire #OneDA
(by: Angelica Marie Umali, ATI-ISD)