Ang mga native na manok ay maaari nang mangitlog sa gulang na 5-6 na buwan. Kaya naman pwedeng-pwede itong maging dagdag kita sa sakahan.
Isaalang-alang lang ang mga sumusunod na rekomendasyon sa pagpili ng mga paitluging manok:
- Sa pagpili ng mga dumalagang manok (pullets), kailangang ang mga ito ay parehas ang mga edad, laki, at kulay ng balahibo;
- May malusog ang pangangatawan at walang sakit o kapansanan; at
- Galing sa magandang lahi o inahing malusog na may kakayahang mangitlog ng marami.
(Department of Agriculture-Region 5)
I-like at i-follow lang ang Agricultural Training Institute sa Facebook, Twitter, at Instagram (@atiinteractive) para sa iba pang tips tungkol sa agrikultura.
#ishareknowledge #atiinspire #OneDA
(by: Ashlee Canilang, ATI-ISD)