Isa sa mga naiibang katangian ng free-range chicken ay ang pamamaraan ng pagpapalaki rito. Hindi gaya sa nakasanayang manok na nasa kulungan, ito ay mayroong sariling espasyo kung saan malaya itong nakagagalaw. Dahil sa uri ng pamumuhay na ito, nagkakaroon ng mas maayos na paglaki ang manok na malayo sa sakit, insekto, at iba pang mapaminsalang bagay.
Nagtataglay ang free-range chicken ng iba’t ibang benepisyong pangkalusugan gaya na lamang ng mas mataas na lebel ng Omega-3 fatty acids, bitamina A at E, at dagdag protina. Mas kaunti ang taba ng karne nito at siguradong mas malasa ito sa karaniwang manok.
Bukod sa magandang dulot ng free-range na pamamaraan sa pag-aalaga ng manok, ito ay hindi nangangailangan ng malaking puhunan at matipid din ang pagpapanatili nito. (Philippine Ranging Nets)
I-like at i-follow lang ang Agricultural Training Institute sa Facebook, Twitter, at Instagram (@atiinteractive) para sa iba pang tips tungkol sa agrikultura.
#ishareknowledge #atiinspire #OneDA
(by: Caitlin Abeleda, ATI-ISD)