Ang maling pamamaraan ng pangangasiwa ng dumi ng baboy ay maaaring magdulot ng problema sa lipunan at kapaligiran tulad ng polusyon sa hangin, tubig, at lupa.
Sa wastong pangangasiwa at paggamit dito, maraming pakinabang ang pwedeng makuha sa dumi ng baboy. Isa na rito ang pagproseso ng solid at liquid wastes ng babuyan sa pamamagitan ng biogas production. Ito ay isang uri ng anaerobic processing upang makakuha ng methane gas sa dumi ng mga baboy. Sa paraang ito, nababawasan ang amoy ng dumi sa babuyan.
Dagdag pa rito, maaari itong pagkuhanan ng fuel para sa pagluluto at ilaw, at ng organikong pataba para sa mga halaman. Nakatutulong din ito sa pagkontrol ng mga pathogenic bacteria o mga organismong nagdudulot ng sakit sa lupa at ground water. (International Training Center on Pig Husbandry)
Para sa karagdagang impormasyon at tips sa agrikultura, i-like at i-follow ang Agricultural Training Institute (@atiinteractive) sa Facebook, Twitter, at Instagram.
#ishareknowledge #atiinspire #OneDA
(by: Angelica Marie Umali, ATI-ISD)