Ang pinakamahusay na gatas ay ang fresh milk na kagagaling lamang sa ginatasang baka, kambing at kalabaw. Ito ay karaniwang maligamgam at malinis na katulad ng gatas ng isang ina. Maaari itong pakuluan kung kinakailangan, ngunit iwasan ang matagal na pagpapakulo dahil nasisira ang nutrients na taglay nito.
Ang fresh milk ay karaniwang matabang, ngunit mabango at malinamnam. Mainam itong isama sa pang-araw-araw na diet, sapagkat nagtataglay ito ng iba’t ibang klase ng bitamina at mineral na mabuti sa ating kalusugan. (Philippine Digest)
Ugaliing suriin ang kalidad ng gatas bago ito inumin upang hindi magdulot ng masamang epekto sa katawan. (National Dairy Authority)
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang National Dairy Authority.
Bisitahin rin kami sa Facebook, Twitter, at Instagram (@atiinteractive) para sa iba pang tips ukol sa agrikultura.
#ishareknowledge #ATIiNspire #OneDA
(by: Jenny Rose Gabao, ATI-ISD)