Marj
Farm Road to Provide Access to Market, Social Services
by Marjorie M. Arriola - Friday, 6 August 2010, 01:27 PM
 
www.da.gov.ph, August 4,2010

Ngayong araw ng Huwebes, ika-5 ng Agosto 2010, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Rublou Market (Greenland at Floodway), Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P150.00 hanggang P175.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P155.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P115.00 hanggang P140.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I Market at Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.75 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa New C.I Market, Commonwealth Market at Meycauayan Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P80.00 hanggang P110.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P80.00 hanggang P110.00 kada kilo.

Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Maypajo Market, at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Maypajo Market, KADIWA Center , Meycauayan Market, City Market of Antipolo at Pasay Public Market.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P65.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P15.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P65.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P60.00 hanggang P80.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P36.00 hanggang P50.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P40.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P45.00 per kilo sa KADIWA Center at Meycauayan Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market at Oriental Market sa halagang P15.00 per kilo. Makakabili naman ng P30.00 per kilo ng carrots sa Oriental Market. Ang kamatis sa halagang P60.00 per kilo naman ay mabibili sa City Market of Antipolo, Bacoor Public Market at Pasay Public Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P36.00 sa Viajero Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P20.00 per kilo sa Pasig City Mega Market, Viajero Market, KADIWA Center at Pasay Public Market. # # # (DA Bagsakan Unit)

Source: Farm Road to Provide Access to Market, Social Services
Online: 0 Messages: 0
You are not logged in. (Login)