Me at the middle. Female australian and Local guy attended PeacePond's Organic farming workshop
organic fishpond alternative pest management
by jet orbida - Saturday, 24 March 2012, 11:09 AM
 

maari po bang malaman kung may counterpart course din ang alternative pest management sa Organic Fish Culture? meron po akong maliit na fishpond na semi-organically grown ang mga bangus. lumot ang pinapakain ko. pero kalaban ng mga isda sa pagkain sa mga lumot ang mga suso na galing sa dagat. sa ngayon, pag nagpapatuyo po ako ng pond, kinukuha ng manu-mano ang mga suso at nakakaipon ng ilang sako nito.

ano rin po kayang uri ng organic fertilizer ang alternatibo sa pagpapatubo ng lumot?

mula po 2005-2008, UREA ang ginamit ko. pero tinigilan ko na po dahil tila ubos na ang mineral ng lupa sa fishpond at wala nang epekto ang chem. fertilizer. tila kailangan na ng rehabilitasyon ng lupa sa palaisdaan namin. dahil bago pa kami dumating dito sa negros occidental, conventional farming na gawain. binombahan ng mga chem. fertilizer ang palaisdaan ng kung ilang taon. panahon na para sa rehabilitasyon. salamat po.

my ideal farmhouzz..
Re: organic fishpond alternative pest management
by GLENN SUAN - Monday, 17 February 2014, 01:38 PM
 
Madali lng erestore ang lumot sa fpond mo. Una, puksain mo ang suso sa pmmgitan ng pgpulot sabi mo, pngalawa,mgapply ka ng Bristan anti snail chem one time lang di makakasira ito dahil makailang harvest ka pa bago makabalik ang mga suso. Balik ka sa organic put  poultry manure or bat manure what they call in the dialect as "guano" about 2 tonnes per hectare tapos e sundry mo ang pond until mag grow ang lumot magmix ka rin ng mga 10 percent inorganic 16-20-00 and 46-00. But be sure to put fine mesh screen before mag pa entry ng tubig to avoid tiny predators na pumasok sa pond. Gradual ang pagpasok ng tubig every day like 2 to 4 inches per day. But mas maganda pa rin mag culture ng lumot during extreme sunny weather.

thanks, 
"keep post'n"
horton25

Picture of Jomel Limbago
Re: organic fishpond alternative pest management
by Jomel Limbago - Thursday, 16 February 2017, 01:33 PM
 
Sir.. banned na po ang paggamit ng brestan ... di poba?
Picture of Damaso Liwanag
Re: organic fishpond alternative pest management
by Damaso Liwanag - Friday, 4 July 2014, 06:35 AM
 
Base po sa pag-aaral ng mga scientist. na ang algae o pangkaraniwang tawag sa Pilipinas ay lumot o lablab kapag kinain ng kuhol o golden apple snail, ito ay nangamamatay sanhni ng pagkalason sa nitroheno o nitrate poisoning. Ang lablab o lumot ay isa sa mga natural na paraan para makontrol ang pagpaparami ng kuhol, una dito ang direktang sikat ng araw kapag nagpatuyo ng pond bed na pumapatay din sa kuhol.
Online: 1 Messages: 0
You are not logged in. (Login)