Picture of Catheryn Villorente
AGRI TAYO!: Oh My Gulay Program
by Catheryn Villorente - Wednesday, 3 June 2020, 08:36 AM
 

Agri TayoNgayong panahon ng pandemya ay naging malaking problema kung saan makakakuha o makakabili ng pagkain ang ating mga kababayan dahil na rin sa pinairal na lockdown o community quarantine.

Maraming sa mga LGU ang nag trending pa sa social media dahil sa kanya-kanya nilang mga pakulo pagdating sa pamimigay ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan.

Ngunit ang talaga namang ikinatuwa ng ating mga kababayan ay ang pamimigay ng mga masustansiyang gulay at mga mobile palengke na nag-aalok ng mga isda, karne, gulay atbp. sa mas murang halaga.

Tunay nga namang win-win situation kapag nagtutulungan ang gobyerno, pribadong sektor, at mamamayan upang matulungan ang ating mga magsasaka at mangingisda upang mapataas ang kanilang mga kita.

Ano-ano pa nga ba ang polisiya at programa ng gobyerno upang matulungang maiangat sa hirap ang mga taong nagpapakain sa atin sa araw-araw?

Tatalakayin at sasagutin natin sa programang AGRI TAYO! ang lahat ng inyong katanungan pang-agrikultura, lalo na pagdating sa usapin ng GULAY!

Siguradong exciting na usapan ito at mabubusog kayo sa mga mahahalagang kaalaman, kaya kita-kits po tayong lahat sa June 4, 2020, Huwebes, 1:00PM.

Tara na at mag #AgriTayo!

FACEBOOK LIVE HERE:

https://www.facebook.com/officialkikopangilinan/

Online: 25 Messages: 0
You are not logged in. (Login)