Picture of Joeven C. Calasagsag
Mga Estudyante, Nanumpa na Magtipid sa Kanin
by Joeven C. Calasagsag - Friday, 1 October 2010, 06:23 PM
 
KAGAWARAN NG PAGSASAKA
Tanggapan ng Kalihim
Daang Elliptical
Diliman, Lungsod Quezon


AGRI-BALITA
30 Setyembre 2010

Kulang-kulang sa isang libong estudyante sa mataas na paaralan at kolehiyo ang nanumpa noong Agosto 19, 2010 na kanilang umpisahan ang pagtitipid sa kanin.Sa Central Luzon State University (CLSU) , Science City ng Munoz, Nueva Ecija kung saan may ginanap na “ weRice forum” binanggit nila ang pledge. Ang kaganapan ay nagpapakita ng kanilang suporta sa kilusang “Save Rice, Save Lives” ng DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Ang panunumpa ay isa lamang sa mga gawain para sa darating na 25th anniversary celebration ng PhilRice sa Nobyembre, na tumugma rin sa National Rice Awareness Month.
Layunin ng pagdiriwang ang malawakang pagtaguyod ng rice conservation tips, paramihin ang konsumo sa brown rice, at ipaalam sa mga magsasaka na patuloy silang makinabang sa serbisyo ng DA-Philrice dahil sa kanilang pagtuklas ng mga makabago , matipid, mataas mag-ani malaking kita at mapangalagang mga teknolohiya sa pagtatanim ng palay .

Ang “weForum” ay pinagtulungang mabuo ng CLSU’s Communicators for Development , na nakatuon sa bahaging gagampanan ng mga estudyante sa pagtulong upang ang ating bansa ay magkaroon ng pansariling kasapatan sa bigas , at hikayatin silang iwasan ang magsayang sa kanin.

Sa ulat na sinumite ni PhilRice director Ronilo A. Beronio kay kalihim Proceso Alcala, ang ating bansa ay makatitipid ng P10 –Bilyon sa importasyon ng bigas kapag lubos na maiwasan ang pagkasayang nito. Ang halagang matitipid ay sapat para mapakain ang may 3.8 Milyong Filipino na nagugutom sa isang araw.

“Nagulat ako at nabagabag sa epekto nitong pagsayang sa kanin. Hindi ako nagsasayang, at dahil sa natutunan ko sa forum, lalo akong magsikap na ubusin ang kanin sa aking plato,” ayon kay Lyra Marie Meneses na isang agriculture student ng CLSU. Sumang-ayon naman si Mc Neil Mendoza na nagsabing maging mapagbantay na siya kapag kumakain siya ng kanin.

Ayon naman kay Ryan Tolentino, isang 18 year old na may pagkanegosyante, ang isang gamit sa mga left-over rice ay patuyuin ito at gamitin bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng burong isda, na isa sa kilalang produkto sa Nueva Ecija.

Kasabay sa panunumpa ng mga estudyante ng Nueva Ecija, sa Visayas may isang libong estudyante rin mula iba’-t-ibang pamantasan ng agrikultura, arts and sciences at economics ang nanumpa na ginanap sa Visayas State University. Ang weForum ay isinagawa rin sa Mariano Marcos State University, sa Bataxc, Ilocos Norte, Bicol University, sa Legaspi City, Albay at University of Southern Mindanao, sa Kabacan Cotabato.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga ulat na ito, makipag-ugnayan kay Chona Suner-Narvadez, chairperson , National Rice Awareness Committee, sa telepono blg. (044)456-0285 local 706 o ipadala ang mga katanungan sa pamamagitang ng SMS, sa 0920-911-1398. ###(RMMagno-DA-AFIS).
Online: 0 Messages: 0
You are not logged in. (Login)