Me at the middle. Female australian and Local guy attended PeacePond's Organic farming workshop
organic fishpond alternative pest management
by jet orbida - Monday, 26 March 2012, 08:19 AM
 

maari po bang malaman kung may counterpart course din ang alternative pest management sa Organic Fish Culture? meron po akong maliit na fishpond na semi-organically grown ang mga bangus. lumot ang pinapakain ko. pero kalaban ng mga isda sa pagkain sa mga lumot ang mga suso na galing sa dagat. sa ngayon, pag nagpapatuyo po ako ng pond, kinukuha ng manu-mano ang mga suso at nakakaipon ng ilang sako nito.

ano rin po kayang uri ng organic fertilizer ang alternatibo sa pagpapatubo ng lumot?

mula po 2005-2008, UREA ang ginamit ko. pero tinigilan ko na po dahil tila ubos na ang mineral ng lupa sa fishpond at wala nang epekto ang chem. fertilizer. tila kailangan na ng rehabilitasyon ng lupa sa palaisdaan namin. dahil bago pa kami dumating dito sa negros occidental, conventional farming na gawain. binombahan ng mga chem. fertilizer ang palaisdaan ng kung ilang taon. panahon na para sa rehabilitasyon. salamat po.


Online: 0 Messages: 0
You are not logged in. (Login)