Hi Raquel!
Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), pwede kayo magrequest ng vegetable seed sa pinakamalapit na BPI Regional Office o DA-Regional Field Unit sa inyong lugar kung pang backyard production lamang ito. Tungkol naman sa mushroom spawns, mayroon din sila dito sa BPI-Manila Office ngunit pangdemo lamang. Ang mushroom spawns ngayon ay karaniwang nabibili sa mga pribadong mushroom producer. Ako po ay magee-mail sa inyo ng contact person na ibinigay ng BPI sa amin na maaaring makatulong sa inyo tungkol sa mushroom spawn. Maraming salamat po.
|