ms. pamela
A Message from the Philippine e-Extension Team
by Pam Mappala - Wednesday, 14 December 2011, 04:41 PM
 
Four years ago, the Philippine e-Extension Program was launched with e-learning component as the main highlight, offering five courses as the pioneer offerings of the program. To date, we have a total of 25 courses available here at the elearning portal in collaboration with various government agencies under the Department of Agriculture and the Department of Science and Technology. From merely 336 e-learners in 2007 to more than 9,000 registered users here at the elearning portal, the Program continues to make waves in the A & F sector. More e-learning courses are coming up in collaboration with the state universities and other institutions. 

The Philippine e-Extension Team owe it all up to all the e-learners, the e-Extension coordinators, and partners from the R & D Sector. For all your unwavering support, MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!

HAPPY ANNIVERSARY TO ALL!
Picture of Elito V.  Manzano
Re: A Message from the Philippine e-Extension Team
by Elito V. Manzano - Thursday, 23 February 2012, 06:12 AM
 
Mabuhay Department of Agriculture!
Isa lamang po ako sa maraming Pilipino na kasalukuyang nakikinabang sa napaka makabuluhang programang ito ng Department of Agriculture... Nakakapagsisi na ngayon pa lamang ako nagkaroon ng interes sa kahalagahan ng usaping agrikultural na kung saan ay siyang pangunahing pinagmumulan ng ating pangangailangang sangkap upang mabuhay.   
Nakakapagsisi na napunta lamang sa walang kabuluhang pangyayari ang mga panahong nagdaan... 
Hindi pa naman siguro huli na sa aking edad na 52 ay maari ko pang pakinabangan ang mga ginintuang karunungan na ngayon ay unti unti kong natutuklasan sa tulong ng programang ito ng ating pamahalaan... 
Nais kong pasalamatan ang lahat ng taong nakapaloob sa programang ito, lalo na ang mga gumagabay sa aming pagaaral, partikular sa akin na totoong may kahirapan ng umintindi at nawa'y patuloy kayong maging mapagpasensya kung maging paulit ulit ang aking mga katanungan. 
Dahil sa programang ito ay nabubuhayan ako ng pagasa na may maganda pang bukas para sa mga Pilipinong nais marating ang isang masaganang kinabukasan! 
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!
(PAUMANHIN PO SA Philippine e-Extension Team... hindi ko po alam kung saan ko dapat i post ang aking pasasalamat... kayo na din po sana ang bahalang maglipat kung saan ito nararapat mailagay).
ms. pamela
Salamat din po Mang Elito
by Pam Mappala - Thursday, 23 February 2012, 05:33 PM
 
Maraming salamat din po, Mang Elito.

Natutuwa din po kaming makarinig mula sa ating mga kababayan na natutulungan namin sa pamamagitan ng programang ito. Dahil sa inyo, nalalaman namin na tunay na maraming nangangailangan ng ganitong serbisyo at kung ano ang dapat pa naming gawin para maipaabot ang mga bagong kaalaman ukol sa agrikultura.

Marami pa po naman tayong maaaring matututunan kaya't hinihikayat po namin kayo na ipagpatuloy lang ang pag aaral ninyo rito at tinitiyak po namin na marami pa kayong makukuhang bagong impormasyon ukol sa pagsasaka at pangingisda.

Muli, nagpapasalamat din po kami ng marami sa inyo, Mang Elito at sa ating mga kababayan na kasama natin sa programang ito.

Online: 0 Messages: 0
You are not logged in. (Login)